Posts

Mga pagdiriwang sa Pilipinas: Isang Pagpapahayag ng Pagmamahal at Pagkakaisa

Image
Mga Pagdiriwang sa Pilipinas: Isang Pagpapahayag ng Pagmamahal at Pagkakaisa  Mga Pagdiriwang sa Pilipinas: Isang Pagpapahayag ng Pagmamahal at Pagkakaisa. Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan na ikakatuwa ng mga bisita at nakatira sa Pilipinas. Ang panahon ng kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga turista taun-taon. Isa lamang ang pista sa mga tradisyong nakaugalian na ng mga Filipino bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ng bansa bilang pag-alaala at pasasalamat sa diyos ng kalikasan at espiritu ng kani-kaniyang mga ninuno. •Ang Pistang Ati-Atihan ay isang pistang Pilipino na ginaganap taun-taon sa Enero sa karangalan ng Santo NiƱo sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Aklan, Panay. Nagagana...